Ang Kape. Bow.


Kung kape lang ang pag-uusapan, ako ang unang unang sasabat diyan. Paano ba namang hindi, eh nakakatatlong baso ako niyan sa gabi. Hindi ko nga alam kung bobo talaga ako o sintu-sinto at sinasabi ko sa sarili ko gabi-gabi na "Pagkatapos kong uminom nito, matutulog na ako." Nakakatulog ba ako? Alam mo na ang sagot.

Yan ang dahilan kung bakit parang sako na ng graba ang eyebag ko ngayon. Hindi na siya bag. SAKO NA SIYA. EYE SUCK. este EYE SACK.

Kung saan ko namana ang kaadikan kong ito sa kape? Saan pa kundi sa tatay kong laging nagpapatimpla sa akin. Siya ang unang nagpatikim sa akin ng linamnam ng kape. Kaya siya ang dapat kong sisihin ngayon sa pagkalaki ng eye sack ko. Epic fail.

Pero hindi, wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Ako ang gumagawa ng sarili kong buhay. Hindi naman sinabi ng tatay ko na uminom ako ng sandamakmak na kape. Ang sinabi niya lang ipagtimpla ko siya. Ako ang nagtulak sa sarili kong uminom nang uminom nito. Kaya wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Ganyan naman tayong mga tao eh. Mahilig manisi sa ibang tao ng mga bagay na tayo mismo ang may gawa. Takot tayo sa sarili nating multo.

Wala tayong ibang sisihin sa mga bagay na nangyari satin kundi ang sarili natin. Ang ibang tao, andyan lang para magpayo at sumuporta. Pero tayo pa rin ang magdedesisyon para sa sarili natin.

Tulad ng kape. Andiyan lang yan para inumin at magbigay ng linamnam sa panlasa. Pero ikaw mismo ang magdedesisyon kung ilang baso ang iinumin mo.

3 reactions:

Dorm Boy said...

Base! Hmm ako rin mahilig magkape. Lagi na naming gngawa ang mgkape sa me malapit na mister donut sa aming office. Masarap kasi kape nila dun especially pag me kasalong honey deep na donut. Enjoy every sip of coffee!

rainbowdoll said...

Tayo ang gumagawa ng istorya ng fairytale natin, o ng plano ng ating buhay kumbaga. Tama bez! :) Kainspire naman to. Ako din, akin eye truck. =)))))

MinnieRunner said...

Nice one Grace! So, umiinom ka pa ba ng tatlong tasa ng kape sa gabi?

Post a Comment

i'll greatly appreciate comments.Ü

Related Posts with Thumbnails